Tagalog news: Real Property Tax ng Puerto Princesa noong 2016, umakyat sa P200M

PUERTO PRINCESA, Palawan, Pebrero 16 (PIA) — Naka-kolekta sa kabuoan ng Php200,918,681.83 ang pamahalaang lungsod ng Puerto Princesa mula sa mga ari-ariang di natitinag sa nakalipas na taong 2016.

Nalagpasan nito ang nilalayong makolekta na Php115.5 milyon noong nakaraang taon ng mahigit Php85.4 milyon. Umaabot naman sa 13.5 porsiyento ang itinaas nito sa koleksyon noong 2015 na Php173,643,003.29 lamang.

Tinuran ni Joel Solina, hepe ng Real Property Tax Division, nakatulong ang mataas na nalikom na buwis noong Nobyembre na umabot ng 62 porsiyento. Aniya, marahil nakatulong ang koleksiyon ng mga buwis at butaw mula sa mga sinubastang lote, kung saan nasa kalahating milyon ang naidagdag nito sa kaban ng pamahalaan.

Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na magiging masigasig ito na makolekta pa ang buwis mula sa mga delingkwenteng mambubuwis upang marami pang kaunlaran ang mapag-gagamitan nito.

Hiikayat din ng pamahalaan ang mga mamamayan na maagang magbayad ng buwi upang magkaroon ng diskuwento sa halagang babayaran. Sa ganitong paraan, maiiwasan din ang paghhabol at pataw na bayarin.

Samantala, mula sa kabuoang halaga ng nakolektang buwis, ang isang porsiyento o mahigit sa Php66.9M ay mapupunta sa Special Education Fund (SEF). Dalawang porsiyento naman o katumbas ng mahigit P133.9 milyon ang ilalaan sa Basic Fund para sa mga proyekto at programa ng LGU. (CIO/LBD-PIAMIMAROPA-Palawan)

th7

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s