Tagalog news: ‘Rabies-free province’ target ng Palawan sa 2020

PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb. 16 (PIA) — “Slowly but surely, we are inching towards our goal in making Palawan rabies-free before year 2020”, ito ang inihayag ni Provincial Veterinarian Dr. Juanito P. Lledo kamakailan hinggil sa usapin ng sakit na rabies sa lalawigan.

Dahil dito, ani Dr. Lledo, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng malawakang pagbabakuna laban sa rabies at pagpupurga ng mga alagang hayop sa iba’t-ibang munisipyo Patuloy din ang pagbibigay ng veterinary office ng impormasyon sa lahat ng mga nag-aalaga ng hayop kung paano sila makakatulong sa kampanya na maging rabies-free ang buong lalawigan.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang siyam na munisipyo sa Palawan ang deklaradong rabies-free. Ito ay ang mga bayan ng Agutaya, Araceli, Balabac, Busuanga, Cagayancillo, Coron, Kalayaan, Linapacan at Magsaysay na nabibilang sa mga islang munisipyo ng lalawigan.

Ang deklarasyong ito ay nagmula sa National Rabies Prevention and Control Committee na binubuo ng Department of Agriculture (DA)-Bureau of Animal Industry at ng Department of Health (DOH) sa magkakaibang taon.

Ayon kay Dr. Benito Del Rosario ng ProVet, ang DOH ang tumututok sa bahagi ng mga tao at ang DA-BAI naman ang tumututok sa bahagi ng mga hayop sa assessment ng isang lugar bago ito naidi-deklarang rabies free zone.

Aniya, naidi-deklarang rabies free zone ang isang lugar o munisipyo kapag hindi na ito nagkaroon ng kaso ng rabies sa loob ng tatlo hanggang limang taon.

Sa ngayon ani Dr. Del Rosario, ang mainland Palawan ang nahihirapan pa silang maipadeklarang rabies free zone dahil may mga insidente pa rin ng pagkakaroon ng rabies sa ibang munisipyo tulad ng Narra at Puerto Princesa.

Nito lamang 2017 ay may naitala na isang kaso ng rabies sa bayan ng Narra, gayundin noong 2016, dagdag ni Dr. Del Rosario.

Handa rin aniya ang PVO na makipagtulungan sa Puerto Princesa City Veterinarian’s Office kung kinakailangan para maideklara ring rabies-free ang lungsod ng Puerto Princesa.

Hangga’t may insidente ng pagkakasakit ng rabies sa lungsod ng Puerto Princesa ay maapektuhan din ang mga munisipyo sa mainland Palawan at mahihirapan itong maideklarang rabies-free zone.

Paala-ala pa ng PVO, ang pagbabakuna laban sa rabies ay mahalaga para sa proteksyon ng mga alagang hayop at sa kaligtasan ng mamamayan. (OCJ/PIA-MIMAROPA Palawan)

palawan-prov-capitol

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s