Tagalog news: Outstanding PPsKa teachers, pinarangalan

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Peb 16 (PIA) – Pinarangalan ang mga natatanging guro ng lalawigan sa awarding ceremony ng Search for Outstanding PPsKa (Programang Pang-Edukasyon sa Kalibliban) Teachers 2016, na isinagawa sa kapitolyo kamakailan.

Ang mga pinarangalang mga guro na tumanggap ng tig-P15,000 cash prize ay sina Nadjie R. Narciso ng Agong Elementary School, Bulalacao; Cesar C. Binucalan, Jr. ng Villa Pag-asa National High School, Apnagan Extention, Bansud at Reneboy G. Galicia ng Villa Pag-asa National High School, Apnagan Extension, Bansud.

Para sa pagkakapili sa mga nabanggit na guro, ang isinagawang ebalwasyon ng Executive Committee (EXECOM) ang naging basehan upang matamo nila ang karangalan na kung saan dinayo pa ng mga kasapi at kinatawan nito ang mga liblib na paaralan ng 10 nominado at doon ay ipinakita ng mga guro ang kanilang epektibong pagtuturo.

Inalam din ng grupo ang estado ng mga guro sa kanilang pakikisangkot sa kani-kanilang komunidad sa pagtataguyod ng mga proyektong pangkaunlaran tulad ng gulayan sa barangay at iba pa.

Samantala, nahirang din sa kategoryang Best of the Class si Narciso na tumanggap ng P5,000 cash prize. Sa kategoryang Achievers of the Year, nakuha nina Resiel V. Juliano ng Little Tanauan Elementary School ng bayan ng Roxas at Jaydee Cabatay ng Water Elementary School ng bayan ng Baco ang naturang parangal na tumanggap ng tig-P10,000 cash prize.

Consolation prizes na P5,000 ang tinanggap naman nina Gloria M. Baldera ng Maragooc Elemetary School, Gloria; Buenaflor Sison ng Binaybay Elementary School, Baco; Criselda E. Magbata ng Bangkal Elementary School, Bulalacao; Philowel M. Rustia ng Tiguihan Elementary School, Pola at Ludevina S. Celis ng Bagong Pag-asa Elementary School, Naujan.

Ang Search for Outstanding PPsKa Teachers ay itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan katuwang ang Department of Education (DepEd) upang patuloy na kilalanin ang malaking tulong na nagagawa ng mga PPsKa teacher upang patuloy na magbigay ng edukasyon sa mga kabataan sa mga liblib na lugar sa buong lalawigan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s