Tagalog news: LGU Odiongan, nakipagdayalogo sa manininda ng isda sa palengke

ODIONGAN, Romblon, Peb. 13 (PIA) — Pinangunahan ni Odiongan Mayor Trina Alejandra Firmalo-Fabic ang pakikipagdayalogo sa mga nagtitinda ng isda sa pampublikong pamilihan ng naturang bayan.

Ang hakbang na ito ng pamahalaang bayan ng Odiongan ay upang tugunan ang hinaing ng mga consumers hinggil sa paglobo na presyo ng isda at para alamin ang kadahilanan nito.

Ayon kay Mayor Fabic, ilan sa lumalabas na dahilan ng pagtaas ng presyo ng isda at kailangang pagtuunan ng pansin ay mga sumusunod: ang karamihan na suplay ay nagmumula pa sa labas ng Odiongan kaya nagmamahal dahil sa transport cost at pagpasa ng ilang beses bago makarating sa palengke, kakulangan sa puhunan ng mga fish vendors sa kapital at financial literacy kung saan nanghihiram ang mga ito sa 5-6 na mataas ang interest kaya mataas din ang presyo ng isda at kailangan ng mga mangingisdang suporta mula sa lokal na pamahalaa.

Naging matagumpay ang dayalogo at nangako ang alkalde na kanilang paiigtingin ang inland fishing gaya ng pagpapalaki ng tilapia, bangus at iba pang uri ng marine products sa mga fishponds sa nasabing bayan.

Pinag-usapan din sa naturang pulong ang balak ng LGU Odiongan na pagtatayo ng bagong fishport sa Bgy. Batiano.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s