Tagalog news: Prov’l tourism office, nagsasagawa ng ‘generation and tourism statistics’, ng Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb 10 (PIA) – Nagsasagawa ngayon ng ‘Generation and Tourism Statistic’ ang Provincial Tourism Promotion and Development Department ng pamahalaang panlalawigan.

Ang Generation and Tourism Statistics ay isang estratehiya ng market research na magiging basehan sa pagpaplano ng mga proyekto at promosyon para sa pagpapalago ng industriya ng turismo ng bawat lugar.

Layon din nito na masubaybayan ang pagtaas at pagbaba ng bilang ng mga turistang dumarayo saan mang panig ng lalawigan.

Kabilang sa mga datos na kinakalap ng tourism office para sa generation and tourism statistics ay ang bilang ng mga turistang lumalabas sa lalawigan o ang Departure Point Visitor Survey (DPVS) sa bawat pier at paliparan.

Nagsasagawa rin sila ng Traveller’s Distribution Survey kung saan nakapaloob dito ang imbentaryo ng mga hotels at iba pang establisyementong pang-akomodasyon sa lalawigan.

Base sa talaan ng Provincial Tourism Office (PTO), umabot sa 50% ang itinaas ng bilang ng turistang dumating sa lalawigan ng Palawan sa mga nakalipas na taon at inaasahang tataas pa ito ng 4% sa bawat taon.

Noong 2015, umabot sa mahigit 900,000 ang kabuoang dami ng turistang dumayo sa Palawan. Ang mga kadalasang pumupunta sa lalawigan ay pinangungunahan ng mga turista mula sa Estados Unidos, China at South Korea.

Upang matulungan naman ang mga munisipyo na mabantayan at mabilang ang mga dumarating at lumalabas na turista sa kanilang lugar ay isinailalim ng PTO ang mga opisyales at stakeholders nito sa Tourism Training for Tourist Officer. Sa pamamamagitan umano nito ay malalaman kung lumalago ba o hindi ang industriya ng turismo ng isang munisipyo. (OCJ/PIA-MIMAROPA Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s