Tagalog news: MSC natamo ang Maturity Level 2 ng PRIME-HRM Award System

BOAC, Marinduque, Peb 10 (PIA)– Natamo ng Marinduque State College (MSC) sa katauhan ng pangulo ng pamantasan na si Dr. Merian Catajay-Mani ang Maturity Level 2 mula sa Civil Service Commission Region IV- Mimaropa.

Ang pagkilalang ito ay paraan ng pagbibigay parangal ng PRIME-HRM (Human Resource Management) Award System sa MSC dahil sa kanilang naipamalas na serbisyo publiko sa pamamagitan ng pagsasapatupad ng apat na human resource management system cores: Recruitment, Selection and Placement (RSP); Performance Management (PM); Learning and Development (LD), and; Rewards and Recognition (R&R).

Dahil sa parangal na natanggap, nagpabatid naman si Mani ng pasasalamat sa lahat ng kawani ng MSC dahil sa patuloy na suportang kanyang natatanggap.

“I became a good president because I have the best manpower of MSC”, sabi ni Mani.

Bukod sa mga empleyado ng pamantasan ay pinasalamatan din niya ang mga lider ng student council at, umaasa ang pangulo sa kanilang patuloy na pag-agapay ng mga mag-aaral sa mga susunod pang mga taon.

Ayon pa sa kanyang pananalita, ginagampanan ng MSC ang kanilang gawain at tungkulin na mas higit pa sa isang unibersidad. Ngunit payo naman niya sa lahat ng empleyado na huwag magpakakampante at kailangan pa raw nilang pagbutihin ang kanilang nasimulan upang mas mahigitan pa nila ang natamong parangal. (ADSD, PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s