Tagalog news: Selebrasyon ng ‘Love Affair with Nature’ sa Puerto Princesa, kasado na

PUERTO PRINCESA, Pebrero 9 (PIA) — Pinaghahandaan na ng Pamahalaang Lungsod na Puerto Princesa ang ika-labinlimang ‘Love Affair with Nature’ na taunang ipinagdiriwang sa lungsod kasabay ng Araw ng mga Puso, Pebrero 14.

Nagpulong na kamakailan ang iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng City Environment and Natural Resource Office (CENRO) na siyang punong abala sa aktibidad.

Nakatakdang idaos ang aktibidad sa Sitio Tagbarungis, Barangay Inagawan, kung saan magtatanim ng bakawan ang mga partisipante sa dalawang ektaryang bahagi ng city beach.

Ani City ENRO Carlo Gomez, humigit kumulang 20,000 propagules ang kanilang inihanda upang itanim sa lugar.

Kasabay ng pagtatanim, magiging tampok din dito ang kasalang-bayan kung saan may 100 magkakapareha o matagal nang nagsasama ngunit hindi pa naikakasal ang nakatakdang ipag-isang-dibdib.

Samantala, inaasahang dadalo upang makilahok sa aktibidad ang iba’t ibang sektor na binubuo ng matataas na opisyales ng pamahalaan, mga mag-aaral, organisasyong nangangalaga sa kalikasan.

Sa bisperas pa lamang ng selebrasyon, may ikakasa nang programang nakapaloob sa Love Affair with Nature ang City Tourism Office (CTO), City Information Office (CIO) at Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) para sa maagang tutungo sa lugar ng pagdiriwang. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s