Tagalog news: Programang kontra-droga, inilunsad ng DILG Romblon Provincial Office sa Odiongan

ODIONGAN, Romblon, Peb 6 (PIA) — Matagumpay na inilunsad kamakailan ng Department of Interior and Local Government (DILG) – Romblon Provincial Office ang “Mamamayang Ayaw sa Anomalya, Mamamayang Ayaw sa Ilegal na Droga o MASA MASID” sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Ito ay isang programang nakabase sa mga komunidad para malabanan at maiwasan ang mga krimen, katiwalian ang pag-gamit ng ilegal na droga.

Nakapaloob din sa programa ang himukin ang ibat-ibang sangay ng lipunan kabilang na ang mga pribadong indibidwal at mga taga-simbahan para mas palakasin pa ang maalab na pagkakaisa sa buong pamayanan.

Para mas maayos na maisakatuparan ang naturang programa, nagbigay ang pamunuan ng DILG Romblon ng ilang estratehiya hinggil dito at ito ay ang mga sumusunod: matatag na adbokasiya at tamang pagbibigay kaalaman sa mga tao, pagkakalap ng mahahalagang impormasyon at ang pagkakaroon ng community-based na programa para sa mga gustong magbago.

Kabalikat ng DILG sa programang ito ang ibat-ibang ahensiya ng gobyerno kabilang ang Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Department of Health (DOH) at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Itinampok din sa programa ang pagbibigay ng parangal ng DILG sa ilang bayan ng Romblon ng Seal of Good Local Governance para sa taong 2015. Ito ay ang mga bayan ng Alcantara, Banton, Corcuera, Looc, Odiongan, San Andres, Sta. Maria, at ang Sta. Fe.

Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsad ng nasabing programa ay sina Gov. Eduardo Firmalo, DILG-Mimaropa Regional Director James Fadrilan, DILG Provincial Director German Yap, PNP Provincial Director Leo Quevedo, Odiongan Mayor Trina Firmalo, Corcuera Mayor Rachel Banares, Banton Mayor Joseph Fadri, Looc Mayor Leila Arboleda, Sta. Maria Mayor Artemio Madrid, San Agustin Mayor Esteban Madrona, Ferrol Mayor Jovencio Mayor, Jr., San Andres Mayor Fernald Rovillos, Sta. Fe Mayor Elsie Visca at San Jose Mayor Ronnie Samson.

Lumahok din sa naturang aktibidad ang mga punong barangay ng Odiongan, mga hepe ng istasyon ng pulisya, BFP, BJMP, mga kinatawan mula sa ibat-ibang faith-based organizations ng Odiongan at prisedente ng Liga ng Barangay.(DE/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s