Tagalog news: Pamahalaang bayan ng Romblon, magpapatupad na ng speed limit

ROMBLON, Romblon, Peb. 6 (PIA) — Ang munisipyo ng Romblon ay magpapatupad ng ordinansa na naglilimita sa bilis ng takbo ng mga sasakyan sa nasasakupan nitong national highway, provincial roads at municipal roads.

Ito ay kinumpirma ni Romblon Mayor Mariano M. Mateo sa public hearing na ginanap sa covered court ng Romblon public plaza na dinaluhan ng mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) at iba pang sector ng lipunan.

Ang ordinansang ito ay kasalukuyan ng hinihimay sa konseho sa pangunguna ni Vice Mayor Mart Arthur Silverio kung saan ang pangunahing may-akda nito ay si Sangguniang Bayan Member Francis M. Riano.

Nag-ugat ang panukalang ito dahil sa dumaraming kaso ng disgrasya sa motorsiklo at mga tricycle kung kaya inatasan ni Mayor Mariano ang konseho na bumuo ng batas upang magpatupad ng speed limit ng mga sasakyan.

Batay aniya sa tala ng mga awtoridad, karamihan sa mga aksidenteng ito ay dahil sa sobra-sobrang bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan at reckless driving.

Nais ng lokal na pamahalaan ng Romblon na limitahan sa 40 kph lamang ang takbo ng mga sasakyan sa national highways o provincial roads at 20 kph lamang sa loob ng poblacion o kabayanan.

Ayon pa kay Mateo, magtatalaga sila ng mga traffic enforcer sa iba’t ibang lugar upang magbantay sa mga motoristang yumayaot sa mga kalsada at magtatakda rin sila ng kaukulang multa sa mga lalabag sa speed limit na kanilang itinakda.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s