Tagalog news: Paggamit ng cellphone, headseat habang nagmamaneho, ipagbabawal sa Puerto Princesa

PUERTO PRINCESA, Palawan, Pebrero 6 (PIA) — Nais ipagbawal ng lokal na mambabatas sa lungsod ng Puerto Princesa ang paggamit ng cellphone at headset ang sino mang nagmamaneho ng motorsiklo, tricycle at bisikleta.

Ito ay sa pamamagitan ng isang panukalang ordinansa iniakda kamakailan ni Konsehal Jimmy Carbonel na may bilang 108-2017 at inihain sa plenaryo ng Sangguniang Panlungsod.

Tinuran ni Carbonel na lubhang lumalaki ang bilang ng mga aksidente sa lansangan na ang dahilan ay nawawala ang atensyon sa pagmamaneho kapag ang mga ito ay abala sa mga nabanggit na kagamitan.

Dagdag pa ng konsehal, kapuna-puna rin ang ilang mga nagbi-bisikleta na tangan ang headset habang tumatakbo na posibleng magdulot ng pagkalito sa mga kasalubong o kasabayang humaharurot na mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada.

Naniniwala ang mambabatas na kung magiging ganap itong ordinansa at mahigpit na maipatutupad sa siyudad, mababawasan ang bilang ng mga nagpapatakbo ng motorsiklo na madalas nasasangkot sa disgrasya.

Samantala, ang panukala ay pag-aaralan pa sa kinauukulang komite at saka pagtitibayin. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s