Tagalog news: Open season sa galunggong sa Northeastern Palawan, inanunsiyo ng DA-BFAR

PUERTO PRINCESA, Palawan, Peb 6 (PIA) — Muling ipinatutupad ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR)-Mimaropa ang open season sa isdang galunggong na nagsimula nito lamang Pebrero 1.

Sa press conference na ipinatawag ng DA-BFAR kamakailan ay inanunsiyo ni DA-BFAR Mimaropa OIC Regional Director Elizer S. Salilig ang muling pagbubukas o open season para sa panghuhuli ng nasabing isda sa lahat ng mga mangingisda maging sa mga commercial fishers.

Ang open season ay magtatagal hanggang Oktubre 31, 2017. Ang open season at closed season sa isdang galunggong ay nasa ikalawang taon nang ipinatutupad ng DA-BFAR sa ilalim ng Joint Administrative Order No. 1 series of 2015 ng Department of Agriculture (DA) at ng Department of Interior and Local Government (DILG). Dito ay nag-aatas ng pagbabawal ng pangingisda ng galunggong sa ilang parte ng Hilagang Palawan sa loob ng tatlong buwan para sa mga ‘commercial fishers’ o itong mga malalaking pamalakaya na gumagamit ng mga bangkang may sukat na 3.01 gross tons pataas.

Ang panahon ng closed season ay mula noong Nobyembre 1, 2016 hanggang Enero 31, 2017. Layon nito na mabigyan ng pagkakataon na makapangitlog at makapagparami ang nasabing isda. Ayon kay Dir. Salilig, sa dalawang taon nang pagpapatupad ng kautusang ito ay sinasabi ng mga maliliit na mangingisda sa Bayan ng Cuyo at El Nido na mas marami ang nahuhuling isdang galunggong sa karagatan kung saan ipinatutupad ang nasabing kautusan.

Naitala naman sa bayan ng Coron ang dumadaming huli ng mga tinatawag na high-valued carnivore fish species tulad ng tambakol o long tail tuna at tanigue o wahoo sa panahon ng closed season sa isdang galunggong kung kaya’t hindi pa rin mawawalan ng pagkakakitaan ang mga mangingisda na apektado ng closed season.

Maliban sa Palawan ipinatutupad din ang closed season sa galunggong sa may hilagang parte ng Sulu Sea na nasasakupan ng Rehiyong Mimaropa at Region VI, na may kabuuhang lawak na 35,943 kilometro kuwadrado o katumbas ng 3,594,278 ektarya. (OCJ-PIA Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s