Tagalog news: Provincial Treasurer’s Office, nagbibigay ng diskwento sa maagang magbabayad ng buwis

ROMBLON, Romblon, Peb. 3 (PIA) — Ang Romblon Provincial Treasurer’s Office ay patuloy na nagbibigay sa mga nagmamay-ari ng lupain na maagang magbabayad ng buwis ngayong unang quarter ng taon.

Sinabi ni Provincial Treasurer Lorelie Y. Manago na may diskwento ang mga maagang magbabayad ng kanilang real property tax o amilyar alinsunod sa Provincial Ordinance No. 02-2013-25.

Dalawampung porsiyento na diskwento aniya ang ibinibigay sa buwis bago sumapit ang taxable year ng nasabing amilyar sa real property.

Sampung porsiyento na diskwento naman aniya ang makukuha kung magbabayad ng amilyar bago pa sumapit ang panahong itinakda sa provincial revenue code.

Nagpaalala rin si Manago na upang maiwasan ang interes o penalidad at pagkaremata ng mga ari-arian ay dapat na magbayad sa Municipal Treasurer’s Office sa kanilang bayan.

Kapag may katanungan sa buwis na kanilang babayaran, maaaring tumawag sa numerong 0917-3426408 o magsadya ng personal sa opisina ng Municipal Treasurer kung saan nasasakop ang kanilang mga ari-arian. (DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s