Tagalog news: Bagong Community Fish Landing Center, ipinatayo ng LGU Ferrol

FERROL, Romblon, Peb 2 (PIA) — Ang bagong Community Fish Landing Center sa bayan ng Ferrol ay naipatayo na matapos maipasa at maapbrubahan ng Sangguniang Bayan ang Municipal Ordinance No. 10-2016.

Ang pangunahing may-akda ng nasabing ordinasa ay si Sangguniang Bayan Member Christian Ll. Gervacio na sinuportahan din ng kanyang co-sponsor na si SB Member Redante C. Prado.

Layon ng naturang ordinansa na ma-centralize ang pagdaong at pagbebenta ng mga huling isda at iba pang uri ng lamang dagat para sa ikabubuti ng mga consumers, mga namumuhunan at makadagdag kita rin sa lokal na pamahalaan.

Ayon sa may-akda ng ordinansa, sa ganitong paraan ay maiiwasan na ang direktang pagbebenta ng nahuhuli ng mga mangingisdang taga-Ferrol sa karatig bayan. Kadalasan aniya ay hindi na nakabibili ng isda ang mga lehitimong residente at nawawalan din ng kikitaing buwis ang LGU Ferrol sapagkat dinadala ito ng mga mangingisad sa mga kalapit bayan.

Ang mga mangingisdang pumapalaot sa karagatang sakop ng Ferrol ay kinakailangang dumaan sa Community Fish Landing Center para dito ibenta ang kanilang mga nahuling isda o makipagtransaksiyon sa mga namamakyaw.

Nagbabala rin ang LGU Ferrol sa mga nasasakupan nito na may nakalaang multa para sa sinumang lalabag o hindi sumunod sa nasabing ordinansa.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s