Tagalog news: Silonay Mangrove Conservation and Eco-Park sa Calapan, kinilala

CALAPAN, Oriental Mindoro, Enero 27 (PIA) – Muling kinilala ng Global Green Growth Institute (GGGI), isang organisasyong pang-international na nakabase sa bansang Korea, ang Silonay Mangrove Conservation and Eco-Park na matatagpuan sa Brgy. Silonay, lungsod ng Calapan.

Ang nasabing eco-park ay napagkalooban ng Excellence Award in Climate Resilient and Green Growth Practices kamakailan sa Maynila na tinanggap ni Gob. Alfonso V. Umali, Jr. at Calapan Vice Mayor Engr. Gil Ramirez.

Ang parangal ay tumutugon sa katangian ng isang eco-park na may balansyadong economic growth at environmental sustainability.

Ang GGGI ay tumutulong sa aspektong pangkalikasan ng iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng research at pagbibigay ng mga proyektong may kinalaman sa konserbasyon ng kalikasan.

Ang Silonay Mangrove Conservation and Eco-Park ay magkatuwang na itinataguyod ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Strategic Intervention and Community Focused Action Towards Development (SICAD) at ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.

Layunin ng proyekto na maproteksyunan at maipriserba ang kalikasan at nabibigyan nito ng kabuhayan ang mga residente ng barangay sa pamamagitan ng pagtatanim ng bakawan. Nakapagtitinda rin ng kanilang mga produkto ang binuong organisasyon sa lugar dahil nagsisilbi na rin itong tourist spot sa lalawigan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s