Tagalog news: Panuntunan sa ‘reef-fish-for-food’ sa Palawan, tinalakay

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 27 (PIA) — Tinalakay sa isinagawang forum kamakailan ang mga patakaran at regulasyon na nakapaloob sa ipinatutupad na Administrative Order No. 5 ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) sa Palawan o itong ‘Regulation and Monitoring of Catching, Culture, Trade, Transport and Exports of Reef-Fish-for-Food’.

Ang nasabing talakayan ay inorganisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan katuwang ang PCSD upang linawin ang mga patakaran at regulasyon sa ilalim ng nasabing kautusan. Isinagawa ito sa Victoriano J. Rodriguez Hall ng gusaling Kapitolyo at dinaluhan ng mahigit 100 stakeholders mula sa insdustriya ng pangisdaan sa lalawigan.

Sa nasabing talakayan, binigyan diin ni Levita Lagrada, hepe ng Permitting Section ng PCSD ang mga probisyon ng batas kaugnay sa AO No. 5 na unang ipinatupad noong Oktubre 28, 2014. Nakasaad sa kautusang ito na ang manghuli, magpalaki, mag-alaga, mag-export ng RFF ay kailangang sumailalim sa regulasyon na ipinapatupad ng PCSD at kumuha ng permit sa naturang ahensiya. Nilinaw din niya na dapat sumunod sa pinapatupad na seasonal control at size catch limit ang mga mangingisda ng RFF upang mapanatiling kontrolado ang dami ng nahuhuling isda at mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na mangitlog at muling makapagparami.

Sa ilalim ng AO No. 5 ay nakapaloob dito ang open at closed season sa panghuhuli ng mga isdang tulad ng Estuary o loba, Tiger Brown Marmol o lapung baboy at ang Leopard Coral Trout o suno buhay man o patay.

Nito lamang Enero 1 ay ipinatupad na muli ng PCSD ang open season para sa reef-fish-for food (RFF). Ang RFF ay mga klase ng isda na galing sa bahura na ginagawang pagkain ng mga tao na binibenta, buhay man o patay. Magtatagal ang open season hanggang sa Hunyo 15.

Ang patakarang ito na pinaiiral sa lalawigan ng Palawan na naglalayong makonserba at mapaunlad ang mga yamang dagat sa pamamagitan ng pagpoprotekta sa RFF upang hindi tuluyang maubos ang kanilang uri.

Nagpaala-ala naman ang PCSD Staff-ECAN Regulation and Enforcement Division (PCSDS-ERED) na dapat nakapag-renew o nakakuha ng kaukulang mga permit ang mga mangingisda dahil bagaman open season ay maaari pa rin magkaroon ng hulihan kapag hindi makapagpakita ang mga ito ng kaukulang mga dokumento. (OCJ/PIA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s