Tagalog news: 1st Romblon Advisory Council Summit, ginanap sa bayan ng Romblon

ROMBLON, Romblon, Enero 27 (PIA) — Isinagawa sa bayan ng Romblon ang kauna-unahang Romblon Advisory Council Summit na dinaluhan ng mga miyembro ng Provincial Advisory Council at mga kinatawan ng bawat ahensiyang miyembro ng Municipal Advisory Council.

Tema ng unang summit ay ang patuloy na pagpapalakas ng ugnayan ng pulisya at ng komunidad para sa isang drug-free na probinsya.

Panauhing pandangal sa 1st Romblon Advisory Council Summit si Chief Supt. Wilben M. Mayor, Regional Director ng Mimaropa Regional Office.

Nagsilbing lecturer si Dr. Evelyn B. Ignacio, M.D., Medico-Legal Officer II, Medico-Legal Division/ National Bureau of Investigation-Main Office kung saan kanyang tinalakay ang masamang epekto ng Methamphetamine Hydrochloride o tinatawag na shabu sa utak at katawan ng tao.

Muli ring tinalakay ni PSInsp. Loreto Maulion Jr., Deputy, Regional Police Strategy Management Unit (RPSMU) ang “Concepts and Programs of PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030” sa mga dumalo sa summit.

Dinaluhan din ang nasabing aktibidad ng lahat ng hepe ng mga Municipal Police Station at matataas na opisyal ng probinsiya.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s