Tagalog news: Kapayaan, kaayusan sa OccMin, paksa sa pulong ng Prov’l Advisory Council

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Enero 25 (PIA) — Kabilang sa mga paksang tinalakay sa unang pagpupulong ng Provincial Advisory Council (PAC) sa taong ito ang kalagayan ng pangkapayapaan at kaayusan sa lalawigan,

Ang pagpupulong ay ginanap sa Glendening Hotel and Resort, bayan ng San Jose kamakailan.

Binigyang-diin sa naturang pagpupulong ang iba pang mga usapin upang patuloy na maitaas ang kalidad ng Philippine National Police (PNP), lalo na sa pagtugon sa kanilang mandato.

Ayon sa ulat ni Police Inspector Jonald Bundang ng Occidental Mindoro Police Provincial Office (OMPPO), bumaba ang index at crime volume para sa taong 2016 kumpara noong 2015. Mula 1,368 crime volume noong 2015, bumaba ito sa 930 noong 2016. Naitala naman noong 2015 ang 559 na index crimes at bumaba ng 334 noong 2016.

Paliwanag ni Bundang, ito ay resulta ng mga ipinatupad na programa ng PNP. Kabilang sa mga ito ang pinaigting na operasyon ng Oplan Bakal/Sita, Double Barrel Alpha, Lambat Sibat, checkpoints at mobile and foot patrol. Pinaigting din ng kapulisan ang kanilang pakikipagugnayan sa komunidad sa pamamagitan ng pagtatalaga ng BPATS (Barangay Peace Keeping Action Team) at paghahatid ng mga impormasyon laban sa kriminalidad.

Samantala, tinalakay bilang bahagi ng programa ng PAC ngayong taon ang rehabilitasyon ng mga drug surrenderees sa lalawigan. Ayon kay Vice Governor at PAC Chairman Peter Alfaro, mas makakabuti na gamitin ng lalawigan ang Drogamon Go Program ng Police Regional Office (PRO) – Mimaropa.

Sa naturang programa ay makakatuwang ng PNP ang mga drug surrenderees sa paghimok sa mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, na sumuko at tuluyang magbagong buhay. Bahagi din ng programang Drogamon Go ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Municipal Social Worker and Development Office (MSWDO), na magsusuri sa mga surrenderees at tutukoy sa maibibigay na tulong pangkabuhayan o educational programs.

Sa huling bahagi ng pulong ay nagbigay ng limang second-hand computers na may printer si PAC Vice Chair Wilson Sy, bilang donasyon, na ayon sa OMPPO ay ipapadala sa mga Municipal Police Stations (MPS) sa lalawigan. Sinabi rin ng OMPPO, na may pitong MPS pa ang nangangailangan ng nasabing mga computer. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s