Tagalog news: Kooperatiba sa Palawan, nabigyan ng tulong-puhunan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 24 (PIA) — Isa na namang kooperatiba sa Palawan ang nabigyan ng tulong puhunan ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO).

Tinanggap kamakailan ng Barangay Community Lime Producers Cooperative mula sa bayan ng Quezon ang tseke na nagkakahalaga ng Php300,000.

Ang naturang tulong ay bahagi ng Credit Assistance Program ng PCDO kung saan pinahihiram ng puhunan ang mga kooperatiba para sa pagpapalago ng kanilang negosyo.

Ayon kay Provincial Cooperative Development Officer Victoria Ladica, ang ipinahiram na halaga sa nasabing kooperatiba ay sa mula sa proyektong Upgrading Support for the Advancement & Development of Cooperatives o USAD, para sa pagpapatuloy ng kanilang negosyo na produksiyon ng agri-lime na maaaring gamitin sa pagsasaka.

Dagdag ni Ladica, ang nahiram na tulong puhunan ay maaaring ibalik ng kooperatiba sa loob ng dalawang taon na walang interes. Sa pamamagitan nito, ani Ladica, natutulungan ng pamahalaang panlalawigan na palakasin ang mga maliliit na kooperatiba sa Palawan.

Ang Barangay Community Lime MPC ay kooperatibang namumuno sa produksyon ng agri-lime sa bayan ng Quezon na pinamumunuan ni Benjamin Matilla Jr. bilang Chairman. (OCJ/PIA4B/Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s