Tagalog news: Benepisyo ng TUPAD Program ng DOLE sa Palawan, ipinamahagi na

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 23 (PIA) — Tinanggap na ng mga benepisyaryo ng Programang TUPAD o itong “Tulong panghanap-buhay Para sa Ating Disadvantaged at Displaced workers” ang kanilang mga sahod kamakailan. Ito ang inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Palawan.

Ang TUPAD ay isang programa ng DOLE na naglalayong mabigyan ng agarang trabaho o emergency employment ang mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay o displaced workers gayon din ang kanilang mga pamilya na naging biktima ng kalamidad tulad ng bagyo, baha at lindol.

Sa pamamagitan ng programang ito, natutulungan ang mga displaced workers na bumalik sa normal na pamumuhay habang sila ay naghahanap ng ibang trabaho.

Base sa talaan ng DOLE, mahigit sa 2,000 mamamayan ng Palawan mula sa iba’t-ibang mga munisipyo ang benepisyaryo ng naturang programa. Karamihan sa mga ito ay nawalan ng trabaho dahil sa pagsara ng ilang minahan sa lalawigan.

Ang mga benepisyaryo TUPAD ay nagtrabaho ng sampung araw sa kanilang barangay sa pamamagitan ng paglilinis at pagpapaganda ng kanilang komunidad na may arawang sahod na P285 kada araw. Ang bawat isang benepisyaryo na nagtrabaho sa loob ng sampung araw ay tatanggap ng kabuohang sahod na P2,850.

Ang programang ito ay naipatupad sa Palawan sa pakikipag-ugnayan ng pamahalaang panlalawigan kay DOLE Secretary Silvestre H. Bello III. Ito ay isinailalim sa pangangasiwa ng Provincial Public Employment Service Office (PESO) katuwang din ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ang pamamahagi ng sahod sa mga benepisyaryo ay pinangunahan nina Richard Rebote, hepe ng Provincial PESO at Gilbert Baaco, hepe ng PDRRMO na unang tinungo ang mga bayan ng Narra, Española, Quezon at Bataraza. Sunod namang nilang tutunguhin ang mga bayan ng Araceli, Coron at Busuanga. (PIO/OCJ-PIA Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s