Tagalog news: Proyektong pang-turismo balak ipatayo sa bayan ng Victoria sa OrMin

CALAPAN, Oriental Mindoro, Enero 20 (PIA) – Isang proyektong pang-turismo ang balak ngayong ipatayo ng pamahalaang panlalawigan sa Brgy. Merit, bayan ng Victoria.

Ayon kay Gob. Alfonso V. Umali, Jr., ang may sampung ektaryang lupang pag-aari ng pamahalaang panlalawigan sa nasabing lugar ay binabalak nang pagtayuan ng isang malaking proyektong pang-turismo na tiyak na malaki ang maiaambag sa pagpapaunlad ng industriya ng kawayan sa lalawigan.

Ayon pa sa gobernador, sa pakikipag-usap niya sa kaibigan niyang si Architect Christian Salandanan na nanalo sa isang Bamboo Competition sa Bali, Indonesia, nasa plano ang pag-aaral ng teknolohiya sa pagpapalago ng industriya ng kawayan sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Kasama rin dito ang paglikha ng mga by-product at ang pagtatayo ng istruktura na yari sa kawayan. Itatayo ang naturang istruktura na may dalawang palapag sa nasabing lupa na matagal na ring hindi napapakinabangan.

Maliban sa pagtatayo rito ng istruktura na yari sa kawayan, nasa plano rin na gawin itong one-stop shop at pasalubong center para sa mga mag-i-stop over na mga sasakyang bumibyahe sa Strong Republic Nautical Highway (SRNH) na magpapakilala sa mga produkto at pagkaing mula sa lalawigan.

Nakaplano rin sa lugar ang pagsasagawa ng fruit picking tourism activity para sa mga prutas na sagana sa lalawigan tulad ng lansones, rambutan, durian at iba pa. Maglalagay din dito ng livestock na mga organikong hayop tulad ng baboy, manok at iba pa.

Isa rin sa planong gawin ay ang pagtatayo ng convention center sa naturang lugar na lubhang kailangan kapag may malakihang gawain ang pamahalaan at ibang sektor ng lipunan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s