Tagalog news: LGU San Jose, nagbukas ng business permit One-Stop-Shop

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Enero 20 (PIA)—Binuksan ng pamahalaang bayan ng San Jose ang isang Business Permit One-Stop-Shop (BPOSS) sa municipal lobby nito na nagsimula noong ika-3 ng Enero.

Layunin ng BPOSS na mapadali ang mga aplikasyon para sa renewal ng business permit gayundin ng mga bagong aplikasyon ng mga nagnanais na magtayo ng negosyo sa bayan ng San Jose.

Sa BPOSS ay magkakasama na ang iba’t ibang departamento ng LGU San Jose at line agencies tulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Trade and Industry (DTI), Social Security System (SSS), Phil Health at Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa pagkuha pa lang ng application form para sa business permit, kalakip na nito ang listahan ng mga dokumentong kakailanganin tulad ng old mayor’s permit, cedula at barangay business permit.

Batay sa paliwanag ni San Jose Municipal Treasurer Ricarte Aguilar, higit na mas madali ngayon ang pagkuha ng business permit dahil computerized na ang pagpoproseso nito. Dagdag pa ni Aguilar na dahil sa nasabing computerization, natitiyak ng LGU San Jose na tama ang masisingil na business licence tax, kumpara ng nagdaang mga taon.

Kabilang sa mga hinihinging dokumento ay ang financial statement ng isang establisyemento. Ibinabase rin ang computation ng taunang business permit sa tamang gross income ng isang negosyo “May mga lumapit na sa tanggapan ng ating Mayor (Romulo) Festin.

Mataas daw ngayon ang binabayaran nila”, salaysay ni Aguilar. Ipinaliwanag naman nito na dahil nakabase sa gross income ang computation ng license tax, ang paglaki ng gross income ng isang establisyemento ay nangangahulugan ng pagtaas ng babayarang business permit.

Samantala ay inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng San Jose ang kahilingan ni Mayor Festin na i-extend ang deadline sa renewal ng business permit hanggang ika-31 ng Enero.

Kung susundin ang Tax Code Ordinance, nakasaad dito na hanggang ika-20 ng Enero ang deadline sa pagkuha ng renewal. Sinasabi rin sa naturang ordinansa na may pataw na 25 porsiyentong surcharge ang mga hindi umabot sa deadline at karagdagang 2 porsiyento sa bawat buwan na hindi makakabayad. Dahil sa pagapruba sa kahilingan ni punong bayan Festin, magsisimula ang pagpapataw ng nasabing surcharge sa unang araw ng Pebrero. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s