Tagalog news: Condonation ng real property tax sa Marinduque isinusulong

BOAC, Marinduque, Enero 20 (PIA)– Nagpatawag ng isang pagpupulong ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) kasama ang Provincial Treasury Office (PTO) tungkol sa panukalang Condonation of Real Property Tax para ngayong 2017.

Layunin kasi ng PDRRMC at ng PTO sa kanilang isinusulong na ordinansa sa Sangguniang Panlalawigan na pahintulutan lalo na ang mga magsasakang Marinduqueño na palampasin ang pagbabayad ng buwis at interes o babaan ang kanilang mga babayaran sa Treasurer’s Office ng kanilang lokal na pamahalaan.

Ang nasabing isinusulong na hakbang ay magsisilbing tulong para sa lahat nag mamamayan ng lalawigan upang makabawi sa mga kanilang ikinalugi matapos manalasa ang bagyong Nina na kung saan sinusuportahan ito ng Resolution No. 157 Series of 2016 ng Sangguniang Panlalawigan na ang probinsya ng Marinduque ay nasasailalim sa State of Calamity.

Ayon kasi sa Local Government Code ng 1991, hinahayaan ng Republic Act 7160, Sec. 276 ang isang lugar na magtakda ng condonation of real property tax kung ito ay lubusang naapektohan ng anumang nagdaang sakuna kung saan ang mga pananim at mga produkto ng mga magsasaka sa merkado ay lubusang napinsala at naapektohan.

Matapos itong talakayin ng PTO, sinang-ayunan naman ito ng lahat ng kasapi ng konseho. Sa ngayon ay idadaan naman ang napagkasunduan ng bawat isa sa Sangguniang Panlalawigan upang pagtibayin ang tinatawag na relief in the form of condonation.

Sa kabilang dako, maari pa ring magbayad ang mga taxpayers ng kanilang buwis ngayong 1st Quarter na mayroong 10 porsiyentong diskwento simula Enero hanggang ika-31 ng Marso; Abril 1 hanggang Hunyo 30 para sa Second Quarter; Hulyo 1 hanggang Setyember 30 para sa 3rd Quarter, at; Oktubre 1 hanggang ika-31 ng Disyembre naman para sa 4th Quarter.

Noong nakaraang ika-31 naman ng Disyembre 2016 nagtapos ang 20 porsiyentong diskwento para sa advance payment ng kanilang real property tax.

Paalala naman ng PTO sa mga taxpayers na magbayad na agad nang maaga upang multa sa buwis ay maiwasan. (ADSD, PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s