Tagalog news: Centennial Anniversary ng Romblon Nat’l High School, ipinagdiwang

ROMBLON, Romblon, Enero 20 (PIA) — Ipinagdiwang noong Enero 17 ang ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Romblon National High School (RNHS) sa bayan ng Romblon.

Ang RNHS na noo’y Romblon High School ang kauna-unahang paaralan sa sekondarya na naitayo sa lalawigan ng Romblon noong 1917 kung saan lahat ng mga estudyante sa iba’t ibang bayan ay ditto nag-aral.

Ang masayang selebrasyon ay dinaluhan ng mga nagtapos sa nasabing eskwelahan simula Batch 1950 hanggang Batch 2012.

Ang pinakamatandang batch na 1950 ay may solong kinatawan na dumating para makilahok sa naturang pagdiriwang kung saan binigyan ito ng pagkilala ng event organizer at pinagkalooban din ng premyo.

Ang pagdiriwang ay sinimulan sa pamamagitan ng isang Banal na Misa at sinundan ng parada paikot sa kabayanan kung saan tinatayang humigit kumulang sa 2,000 libo katao ang dumalo.

Inabot hangang gabi ang selebrasyon na kinatampukan ng iba’t ibang parlor games at kasayahan para sa lahat ng mga nakilahok sa pagdiriwang.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s