Tagalog news: ‘Wooden-hulled ships’, unti-unting ipi-phase-out sa Palawan

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Enero 18 (PIA) — Sinisimulan na ng Maritime Industry Authority (MARINA)-Palawan ang pagpapatupad ng MARINA Circular 2016-02 o itong ‘Revised rules on the phase out of wooden-hulled ships carrying passengers in domestic shipping’.

Ayon sa pamunuan ng MARINA sa Palawan sa pamumuno ni Engr. Nelson Sobrevega, upang unti-unti ng ma-phase out ang mga wooden-hulled ships tulad ng mga malalaking pumpboat, lantsa at bapor na ginagamit na pampasahero ay hindi na sila tumatanggap ng mga bagong aplikasyon para sa ‘permit to operate’ o kaya ng Certificate of Public Convenience (CPC).

Ani Sobrevega, layunin ng pag-phase out ng mga sasakyang pandagat na nabanggit ay upang gawing moderno ang mga sasakyang ginagamit na pampasahero sa pamamagitan ng paggamit ng mga alternatibong hull tulad ng fiberglass, aluminum o steel hull para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero, maiwasan ang mga aksidente sa dagat at pagkalugi ng negosyo ng mga may-ari nito.

Tinukoy din ng MARINA-Palawan ang mga lugar sa Palawan na may mga sasakyang pandagat na ‘wooden hull’ ang gamit tulad ng mga rutang El Nido-Coron and vice versa, Coron-Mindoro, Coron-Linapacan, Coron-Culion, Cuyo-Agutaya, Puerto Princesa-Araceli, Puerto Princesa Cagayancillo at marami pang iba.

Dagdag pa ni Sobrevega, kapag ang isang ruta ay pinasok na ng mga shipping company may moderno sasakyang pandagat at kaya nitong serbisyuhan ang dami ng mga pasahero sa nasabing ruta ay aabisuhan na nila ang mga operator ng mga wooden-hulled ships at bibigyan ng anim na buwan para i-phase out ang kanilang mga banca o lantsa o kaya ay i-upgrade ang mga ito upang maging moderno at makakapag-sabayan sa iba pang kompanya na moderno na ang mga sasakyang pandagat.

Ang mga operators naman ng mga pampasaherong sasakyang pandagat na mayroong ‘permit to operate’ o Certificate of Public Convenience ay bibigyan ng MARINA-Palawan ng pagkakataon na umabot ito sa kanilang expiry date at hindi na iri-renew pang muli.

Hindi naman sakop ng nasabing circular o exempted naman sa pagpapatupad ng circular no. 2016-02 ang mga sasakyang pandagat na mayroong wooden hull na ginagamit sa river crossing, island hopping at mga banca na hindi ginagamit pampasahero.

I-aapela naman ng MARINA-Palawan sa kanilang punong tanggapan na mabigyan ng exemption ang mga ruta ng mga sasakyang pandagat sa Palawan na kakaunti lamang ang mga pasahero at hindi kailanman napapasok ng mga commercial shipping company.

Target ng MARINA-Palawan ang full implementation ng nasabing circular sa Enero 2018. (OCJ/PIA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s