Tagalog news: Higit 900 katao, nakinabang sa PRC Mobile Services sa San Jose

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Enero 18 (PIA)—Humigit sa 900 katao ang nakinabang sa isinagawang Professional Regulation Commission (PRC) mobile services sa bayan ng San Jose kamakailan.

Inilapit ng PRC sa mga taga-lalawigan ang ilan sa serbisyo ng kanilang tanggapan gaya ng pagrehistro ng mga bagong professionals at pagpapanibago (renewal) ng mga lisensya ng mga dati nang professionals. Tumanggap din ang PRC ng mga aplikasyon para sa Board Licensure Examination for Professional Teachers (BLEPT).

Ayon kay Josefina Villamar, tagapamuno ng Public Employcdfxment Service Office (PESO) ng bayan ng San Jose, 300 lang ang nakapagpatala sa kanilang tanggapan para sa nasabing mobile service ng PRC, subalit higit doble pa ang bilang ng mga dumating. Sinikap naman ng mga kawani ng PRC na maasikaso ang lahat ng aplikante. “Inabot ng hanggang madaling araw ang PRC sa kanilang pagpoproseso”, ayon pa kay Villamar.

Bukod sa mga lehitimong taga- San Jose, may ilang aplikante na nagmula sa mga karatig na bayan ng San Jose at may ilan ding galing pa ng Sablayan, Mamburao, Oriental Mindoro at Antique.

“May mga aplikante na naubusan na nga ng resibo”, saad naman ni Raul Marquez ng PRC. Napagkasunduan na lamang ng mga aplikante at PRC na isasabay sa pagpapadala ng mga renewed licenses ang mga resibo ng pinagbayaran.

Isa si Liezel Victorio ng barangay Pagasa, San Jose sa mga nagpasa ng aplikasyon para sa BLEPT. Ayon sa kanya, malaking tulong ang PRC mbile services dahil bukod sa mabilis ang pagproseso ng kanilang aplikasyon, malaki ang natitipid nila dahil hindi na sila lalabas pa ng lalawigan upang tumungo sa PRC regional office, na matatagpuan sa Lungsod ng Lucena.

Samantala, kinumpirma ni Villamar na kabilang ang San Jose sa pagdadausan ng BLEPT examination sa darating na ika- 26 ng Marso. (VND/PIA MIMAROPA/ Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s