Tagalog news: DOH-Mimaropa, nagkaloob ng tulong pinansyal sa mga bayang binayo ni Nina

LUNGSOD QUEZON, Enero 18 (PIA) — Hindi lang mga gamot ang naipadala ng Department of Health Mimaropa kundi maging tulong pinansyal sa mga bayang nasagasaan ng Bagyong Nina sa rehiyon.

Tumanggap mula sa DOH-Mimaropa ng tig-isang Php 3 milyon ang lungsod ng Calapan at ang bayan ng Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Tig-Php 2 milyong piso naman ang naibigay sa anim na lalawigan ng Marinduque: maging ang pamahalaang panlalawigan ay nabigyan din ng Php-3 Milyong tulong pinansyal para makatulong sa pagpapabangon ng probinsya.

Tiniyak naman ni DOH-Mimaropa Regional Director Eduardo C. Janairo na patuloy ang kanilang ginagawang assessment sa lawak na pinsalang idinulot ng Bagyong Nina.

Girantiyahan din ni Director Janairo na ang iba pang lugar ay makakatanggap ng tulong.

Napag-alaman na naglaan ang DOH ng Php 30 milyon sa DOH-Mimaropa para ipambili ng gamot at magbahagi ng tulong pinansyal sa mga apektado ng Bagyong Nina. (LP/DOH-Mimaropa)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s