Tagalog news: Bagong gusali ng Romblon District Hospital, pinasinayaan

LUNGSOD QUEZON, Ika-18 ng Enero (PIA)— De-kalidad na serbisyo ang garantiya ng Department of Health – Mimaropa (DOH-Mimaropa) na maibibigay ng bagong-bagong gusali ng Romblon District Hospital (RDH) sa mga kababayan sa Romblon, Romblon.

Ang gusali ay pinasinayaan kamakailan lang.

Maraming espasyo na mapag-lalaanan ang tatlong palapag na gusali ng RDH para sa emergency room, intensive care unit, patient’s wards, surgery and obstetrics, out-patient department, X-ray, CT scan, labor and delivery room, operation rooms, Neonatal Intensive Care room at para sa tanggapan ng mga hospital staff.

Aabutin sa Php 40 milyon ang halaga ng ipupuhunan ng DOH para ipambili ng mga kasangkapan at makinarya para sa bagong gusali ng RDH: mahigit sa Php 38-M ang halaga naman na ginastos sa pagpapatayo ng gusali.

Bukod sa Romblon, ayon kay DOH-Mimaropa Regional Director Eduardo Janairo, paglilingkuran din RDH ang mga kababayan sa Tablas, Corcuera, Sibuyan Island and Banton.

Hangarin din ng bagong gusali, ani Director Janairo, na maka-responde sa lumalaking populasyon sa Romblon na mangangailangan ng mga serbisyong medikal.

Ang pagpapatayo ng gusali ay ginawa sa ilalim ng DOH-Health Facilities and Enhancement Program o HFEP.

Nilalayon ng HFEP na pagyamanin ang mga pasilidad pangkalusugan magbigay ng pagsasanay sa mga propesyunal-medikal at lalong padaliin ang proseso ng pagkuha ng serbisyong medikal para mapakinabangan ng mga kababayan. (LP/PIA4B)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s