Tagalog news: Sablayan, nakatakdang ipagdiwang ang ika-115 Anibersaryo

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Enero 17 (PIA) – Nakatakdang ipagdiwang ng bayan ng Sablayan ang ika-115 nitong Anibersaryo ng Pagkakatatag sa ika-25 ng Enero.

Ayon sa aklat ng ‘Maikling Kasaysayan ng Mga Bayan ng Occidental Mindoro’, na isinulat ni Rudy Candelario, itinatag bilang munisipyo ang Sablayan noong 1902 sa bisa ng Act. No. 1820 ng Philippine Commission, sa ilalim ng pananakop ng mga Amerikano.

Ayon naman kay Sylvia Salgado, Municipal Tourism Officer (MTO) ng Sablayan, Disyembre pa lamang ay marami na silang mga programa na nakalinya sa pagdiriwang ng Anibersaryo.

“Tuwing Biyernes at Sabado ay may mga aktibidad kami”, paliwanag ni Salgado. Ang ilan sa mga ito ay battle of the band, variety shows at mga palarong pawang pinangunahan ng iba’t ibang organizasyon at eskwelahan.

Naging makulay din ang pagdiriwang ng Sablayan sa bagong taon. Sama-samang sinalubong ito sa plaza ng mga mamamayan, kung saan may inihandang programa ang pamahalaang bayan at ‘fireworks display’.

Pagdating naman ng mismong araw ng selebrasyon, ika-25 ng Enero, ay uumpisahan ang pagdiriwang ng Grand Opening Parade sa umaga at Welcome Ball sa gabi. Sa kasunod na araw naman, ika-26 ng Enero, ay ‘Araw ng mga Katutubo’. Dito ay may nakalaang aktibidad para sa mga Indigenous Peoples (IP’s) na isasagawa sa buong maghapon. Sa gabi naman ang Binibini at Ginoong Sablayan 2017, kung saan walong pares ng mga kabataang Sablayenyo ang sasabak sa isang patimpalak ng talino, talento at kagandahan.

Kabilang sa pagdiriwang ng ‘Founding Anniversary’ (Anibersaryo ng Pagkakatatag) ang Dugoy Festival. Ginagawa ito sa ika-27 ng Enero at isa sa pinakahihintay ng mga bumibisita sa Sablayan. Dito ipinapamalas ng mga partisipante ang kanilang galing sa street dancing. Ang Dugoy ay salitang katutubo na ang ibig sabihin ay kapatiran (brotherhood) o kaibigan. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s