Tagalog news: Pagtaas ng entrance fee sa Puerto Princesa Underground River, ipatutupad na

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 17 (PIA) — Nakatakdang magtaas ng entrance fee ang pamunuan ng Puerto Princesa Underground River (PPUR) na sisimulang ipatupad sa unang araw ng Marso ngayong taon.

Ito ang inanunsiyo ni Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP) Superintendent Elizabeth Maclang sa ipinatawag na pagpupulong kamakailan na dinaluhan ng mga tour guide, mga nagpapatakbo ng travel and tours at may-ari ng mga panturistang van.

Ani Maclang, ang dating PhP175 na singil sa mga lokal na turista ay gagawing Php250 samantalang sa mga dayuhan ay magiging Php500.

Kapag ang turista ay dumaan sa travel and tours, magbabayad ito PhP400.00 sa kaniyang pagpasok sa kuweba at PhP300 kung residente ng Puerto Princesa ang bisita.

Mananatili naman sa PhP75- PhP100 ang babayaran ng mga may edad 3-20 taong gulang.

Samantala, ipinaliwanag ng pamunuan na ang ipatutupad na pagtaas ng singil sa entrance fee ay upang mapalawak pa ang kanilang ginagawang pagbabantay at pangangalaga sa parke, idagdag pa rito ang pagpapaayos ng mga pasilidad at pagpapaangat ng kanilang serbisyo.

Nitong Disyembre 2016, inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod ang ordinansa ukol dito.

Nakatakda ring ilatag ng pamunuan ng PPSRNP ang bagong patakaran sa pagpupulong ng Protected Area Management Board (PAMB) bago ito ipatupad. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s