Tagalog news: Mga iresponsableng pet owner planong pagmumultahin ng Puerto Princesa City Vet

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 17 (PIA) — Nagpanukala ang City Veterinary Office sa pamumuno ni Dr. Indira Santiago na patawan ng multa ang mga may ari ng alagang aso na pakalat-kalat sa labas ng kanilang bakuran at pagala-gala sa mga lansangan sa lungsod.

Ayon kay Dr. Santiago ang responsableng nag-aalaga ng mga hayop tulad ng aso ay hindi pinababayaang pakalat-kalat ang mga alaga nito upang mapangalagaan, maiiwas sa disgrasya at makadisgrasya.

Ang mga pagala-galang aso sa mga lansangan umano ang isa sa mga sanhi ng aksidente sa kalsada partikular na sa mga naka-motorsiklo.

Ang panukalang pagpapataw ng multa ay nais ipasok ng City Veterinary Office sa binabalangkas ngayong rebisyon ng Rabies Ordinance sa sangguniang panlungsod. Ang lalabag sa nasabing ordinansa ay papatawan ng Php500.

Kapag natapos na ang pagbalangkas ng nasabing ordinansa ay idadaan din ito sa pagdinig publiko o public hearing upang hindi naman masurpresa ang mga nag-aalaga ng mga hayop tulad ng aso at maipamulat din sa kanila ang kanilang mga responsabilidad.

Ani Dr. Santiago, sa pamamagitan ng mga hakbangin na ito ng City Vet ay inaasahan din na maiiwasan ang kaso ng rabies sa lungsod at upang makamit na rin ang ina-asam-asam na pagiging Rabies Free City. (OCJ/PIA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s