Tagalog news: Medical at surgical mission, pangungunahan ng pamahalaang panlalawigan ng Romblon

ROMBLON, Romblon, Enero 17 (PIA) —- Pangungunahan ng Romblon Provincial Government ang pagsasagawa ng libreng medical at surgical mission sa Romblon District Hospital (RDH) sa Enero 20-27.

Magsasagawa rin ng Surgical Mission sa Romblon Provincial Hospital (RPH) na nakabase sa bayan ng Odiongan sa Pebrero 3 – 5 gayundin sa Sibuyan island sa Pebrero 21-22.

Sa mga nais maoperahan ng libre sa sakit na myoma, luslos, bukol sa suso, bingot (harelip), bato sa apdo, bukol sa matris o obaryo ay maaaring magpalista na ngayon sa RDH, RPH o kaya ay makipag-ugnayan sa Governor’s Office.

Bago sumailalim sa operasyon ay kinakailangan munang sumailaim sa cardio-pulmonary clearance ang isang pasyente gaya ng chest x-ray, blood examination at ECG kung kaya marapat na maaga silang magpatala.

Ayon kay Governor Eduardo C. Firmalo, ang ganitong uri ng misyon ay paraan ng kanyang administrasyon na maipadama ang malasakit sa kapwa Romablomanon at ituring ang bawat isa na kapamilya.

Makakatuwang ng Romblon Provincial Government sa aktibidad na ito ang mga doktor, nurses at iba pang health workers ng Romblon Provincial Hospital, Romblon District Hospital at mga Rural Health Units.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s