Tagalog news: 3 barangay sa Palawan, dineklarang drug-free ng PNP

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 17 (PIA) — Idineklara kamakailan ng Philippine National Police (PNP) sa Palawan hanggang sa lebel pang rehiyon bilang Drug-Free Barangay ang Ransang at Campong-Ulay sa bayan ng Rizal at ang Pag-asa, natatanging barangay sa isla ng Kalayaan sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng deklarasyon ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) at Municipal PNP sa pamamagitan ng isang resolusyon, matapos na matiyak na walang naitatalang kaso o wala ni isa mang residente sa naturang mga lugar ang nasasangkot sa paggamit o pagbebenta ng iligal na droga.

Tinuran ni Police Insector Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office (PPO) na may iba pang barangay sa lalawigan ang nai-deklara na ng kani-kanilang BADAC at Municipal Police Station (MPS) subalit magiging opisyal lamang ito kung maaprubahan na sa opisina ng Provincial at Regional PNP.

Kamakailan lamang, pitong barangay sa bayan ng Dumaran, naideklara nang ligtas sa ipinagbabawal na gamot at inaasahan pang madadagdagan ngayong buwan.

Nagdeklara rin ng tatlong barangay ang BADAC, MADAC at pulisya ng Linapacan, samantalang pitong barangay naman sa Culion.

Sa lungsod ng Puerto Princesa, nauna nang nai-deklara kamakailan ng City Police Office, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at BADAC ang Barangay Langogan, habang pito pa ang posibleng madagdag sa deklarasyon sakaling makumpleto ang mga dokumentong kinailangan bilang bahagi ng proseso. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s