Lathalain: ‘TSEKAP’ sa Mimaropa: libreng gamutan para sa maralita

Kailan ka huling nagpa-TSEKAP?

Ang TSEKAP, palayaw ng “Tamang Serbisyo sa Kalusugan ng Pamilya” at isinapilipinong bersyong ng Check-Up, ay isang pambansang programa na naglalayong magbigay ng libreng serbisyong medikal sa may 20 milyong kababayang maralita.

Sa Mimaropa, ayon kay Regional Director Eduardo C. Janairo ng Department of Health, umabot na sa 273,911 katao ang napaglingkuran ng TSEKAP.

Pagdating naman sa mga kababayang taga-Mimaropa na kasama sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4PS), naabot ng TSEKAP ang may 91,649 benepisyaryo.

Kabilang sa mga serbisyo ng TSEKAP ay ang kunsultasyon sa duktor, mga payak na pagsusuri sa laboratoryo tulad ng fecalysis at urinalysis, pagsusuri sa uri ng pamumuhay o lifestyle risk assessment tulad ng Blood Sugar testing at Body Mass Index Calculation, MHGAP (Mental Health Gap Action Programme) o programa para sa mga kababayan may karamdaman sa pag-iisip, mga sakit na may kinalaman sa kagat ng hayup, serbisyong pang-nutrisyon gaya ng pagpupurga ng bulate (deworming) at pagpapakain ng micronutrient (micronutrient supplementation).

Pati serbisyong mediko-legal, mayroon din sa TSEKAP.

Kamakailan lang, nagbigay ang DOH-Mimaropa ng libreng dialysis sa may limang katao sa Oriental Mindoro.

Ang mga pasyenteng nakinabang sa libreng dialysis sa ilalim ng TSEKAP ay nagmula sa mga bayan ng Puerto Galera, Naujan at Bongabong: ang libreng dialysis pati ang mga gamot ay natatanggap nila dalawang beses kada linggo.

Ang dialysis ang isang paraan para gamutin ang mga kababayan may sakit sa bato. Sa kasalukuyan, ang bawat sesyon ng dialysis ay nagkakahalaga nang dalawa’t kalahati hanggang labing tatlong libong piso: karaniwan dalawa hanggang apat na sesyon kada linggo ang kailangan ng pasyente.

Ibinalita rin ni Regional Director Janairo na makakarating din sa mga bayang hinambalos ng Bagyong Nina ang TSEKAP ay maging ang mga kababayahang naninirahan sa mga liblib na lugar para hatiran ng mga serbisyong medikal. (LP/DOH-Mimaropa)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s