Tagalog news: Prov’l Dev’t and Physical Framework Plan ng OrMin, aprubado na sa SP

CALAPAN, Oriental Mindoro, Enero 10 (PIA) ā€“ Aprubado na sa Sangguniang Panlalawigan (SP) ang Provincial Development and Physical Framework Plan (PDPFP) 2016-2025 ng lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ito ay isang pangmatagalang plano ng lalawigan na tumutukoy sa mga tunguhing pangkaunlaran, istratehiya, mga layunin at ang mga kinakailangang programa, proyekto at gawain para sa mga isasagawang provincial investment programming, paglalaan ng pondo at pagpapatupad ng mga planong pangkaunlaran.

Ang pag-apruba ay isinagawa ng mga Bokal ng SP na nakapaloob sa SP Resolution No. 3349-2016 matapos ang presentasyon ng mga kinatawan ng civil society organizations (CSOs) at serye ng mga pagdinig at ng masusing pag-aaral ng mga mahahalagang sektor sa lalawigan.

Nasasaad na ang PDPFP, batay sa ipinalabas na kalatas ng Department of the Interior and Local Government (DILG), National Economic Development Authority (NEDA), Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) ay isang dokumentong binalangkas sa lalawigan na nagsasama sa magkakahiwalay na provincial physical framework plan at ang provincial development plan upang maiugnay ang mga usapin ng mga sektor at ang mga medium at long-term na mga usapin ng lalawigan.

Sa isinagawang pagdinig kaugnay sa PDPFP sa Bulwagang Panlalawigan, itiniyak sa mga konsernadong sektor na ang plano ay tumutugon sa mga tunay na pangangailangan at suliranin ng mga mamamayan at tumutugon sa mga pangangailangang pangkaunlaran ng lalawigan.

Kasama rin sa paghahanda ng lalawigan ang may kaugnayan sa disaster risk reduction and climate change adaptation at gender and development issues. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s