Tagalog news: Mahigit 250 bagong guro sa lalawigan ng Romblon, pormal nang nanumpa

ODIONGAN, Romblon, Enero 10 (PIA) — Matagumpay na idinaos ang 29th Oath Taking Ceremonies for Professional Teachers ng mga pumasa sa nakaraang September 2016 Licensure Examination for Teachers (LET) na ginanap kahapon sa Romblon State University Quadrangle sa bayan ng Odiongan.

Pinangunahan ni Gng. Benigna E. Mendoza, hepe ng delegasyon ng Professional Regulation Commission (PRC) – Lucena City ang panunumpa ng mahigit 250 na mga bagong guro.

Sinabi ni Gng. Mendoza na ang pagkakapasa sa board exam ng isang guro ay hudyat pa lamang ng panibagong hamon na kinakailangang harapin ng mga ito at hinimok nito ang mga bagong pasa na gampanan ang kanilang bagong tungkulin, ang pagiging guro para sa bansang Pilipinas.

Ang lalawigan ng Romblon ay karaniwang kasama sa listahan ng mga Testing Center para sa second phase ng LET na ginaganap tuwing buwan ng Setyembre kada taon kung saan noong 2016, umabot sa 312 na graduate ng Romblon State University ang pumasa sa nasabing pagsusulit.

Ayon kay RSU President Arnulfo De Luna, batay sa kanilang talaan, taun-taon ay dumarami o mas nadadagdagan ang bilang ng pumapasa sa licensure examination na ibinibigay ng gobyerno at ang ilan pa sa mga ito ay iskolar ng pamahalaang panlalawigan.

Indikasyon aniya ito na mataas ang kalidad ng pagtuturo sa unibersidad na kanyang pinamumunan at ito’y malaking karangalan para sa RSU campuses sa buong lalawigan.)DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s