Tagalog news: Biktima ng paputok sa Marinduque bumaba ng 50% kumpara noong 2017

Boac, Marinduque, Enero 10 (PIA)– Sa naisumiteng pahayag ni Delbert Madrigal, kinatawan ng Depatment of Health (DOH) sa Marinduque, sinasabing mas mababa ng 50 porsiyento ang naitalang kaso ng ahensya at ng Dr. Damian J. Reyes Provincial Hospital sa pagsalubong ngayong taong 2017.

Ayon kay Madrigal, sa ngayon ay tatlo lamang ang naging biktima ng mga ipinagbabawal na paputok kung saan ay mas mababa ito kumpara sa anim na naputukan noong nakalipas na taon. Dagdag pa niya, wala naman sa ngayon ang naputulan ng kamay o paa dahil sa pagpapaputok ng fireworks o firecrackers.

Ganun pa man ay nalapatan naman agad ng Provincial Hospital ng paunang lunas ang mga naging biktima at nagpatuloy hanggang noong ika-5 ng Enero ang kanilang pagmomonitor ng fireworks related-injuries.

Sa ngayon ay nakaantabay pa rin ang DOH- Marinduque hanggang Enero 21 para sa posibleng pagkakaroon ng tetanus cases na maaaring maging dulot ng paputok.

Matatandaan na nagkaroon ng kampanya ang ahensya na tinawag na “OPLAN: Iwas Paputok, Fireworks Display ay Patok! Makiisa sa Fireworks Display sa Inyong Lugar” na kung saan ang DoH, sa pakikipagkaisa ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Eco Waste Coalition ay hinimok ang publiko na gumamit ng alternatibong pampaingay na sa halip na mga ipinagbabawal na paputok ang gamitin sa pagsalubong sa taong 2017. (ADSD, PIA-MIMAROPA/Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s