Tagalog news: Divine Word College of Calapan kampeon sa Tunog Mindoro Brass Band Competition

CALAPAN, Oriental Mindoro, Enero 9 (PIA) – Itinanghal ang Divine Word College of Calapan (DWCC) Brass Band bilang kampeyon sa idinaos na Tunog Mindoro Brass Band Competition na isinagawa sa Oriental Mindoro National High School kamakailan.

Tinanggap ng DWCC ang halagang P50,000 bilang premyo gayundin ang tropeyo mula sa pamahalaang panlalawigan.

Nakuha naman ng Pinamalayan Maritime Foundation and Technological College, Inc. ang 1st runner-up at premyong P30,000 at tropeyo samantalang nag-2nd runner-up naman ang Immaculate Heart of Mary Academy (IHMA) na nakakuha ng P20,000 at tropeyo.

Ang Tunog Mindoro Brass Band Competion na isinasagawa taun-taon bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ng lalawigan ay pinangangasiwaan ng Provincial Tourism, Investment and Enterprise Development Office (PTIEDO) na may layuning kilalanin ang husay ng mga kabataang Mindoreño at pasiglahin ang turismo sa lalawigan ng Oriental Mindoro.

Ang kumpetisyon ay nilahukan ng mga kolehiyo at sekondaryang paaralan mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s