Tagalog news: Civil Service Exam, isasagawa sa Coron, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 9 (PIA) — Nakatakdang isagawa sa Marso 12, 2017 ang CSC Career Service Examination, ito ang inihayag ni Civil Service Commission (CSC)-Palawan Field Office Dir. Nel Sherwin Carnetes.

Ayon dito, mula Enero 9-13 ay nasa bayan ng Coron ang mga kawani ng CSC-Palawan upang tumanggap at magproseso ng mga aplikante para sa nasabing eksaminasyon.

Malaki aniya ang maitutulong nito para sa mga residente ng Calamianes Group of Islands na malayo sa lungsod ng Puerto Princesa na naghahangad ding makapasa sa CSC Exam upang magkaroon ng eligibility at makapasok ng magandang trabaho sa gobyerno.

Apat na munisipyo ang sakop ng Calamian, ito ay ang mga bayan ng Coron, Busuanga, Culion at Linapacan. Maliban sa mga bayang ito ay maaari ding mabenipisyuhan ang mga karatig bayan nito tulad ng Cuyo, Magsaysay, Agutaya at Cagayancillo, ayon sa CSC-Palawan.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganapin sa islang bayan ng Coron ang eksaminasyon. Dekada na rin ang nakalilipas ng isagawa ito sa bayan ng Narra.

Magsisilbing mga Examination Center ang Claudio Sandoval Elementary School para sa Sub-Professional Exam at Coron School of Fisheries para sa Professional Exam.

Ayon pa CSC-Palawan, maaaring kumuha ng eksaminasyon ang kahit na sinuman basta ito ay nasa 18 taong gulang – pataas.

Wala ding educational requirement na hinahanap ang CSC para sa mga kukuha ng Sub at Professional exam. Kailangan lamang na tumungo ang mga ito sa nasabing petsang itinakda upang mag-apply at may kaukulang bayad ito na Php500.

Maaari ring mag-apply para sa eksaminasyon ang iba pang nagnanais kumuha nito na mga residente ng iba’t-ibang munisipyo at mga residente ng lungsod ng Puerto Princesa. Tumungo lamang sa tanggapan ng CSC at ang huling araw ng pagtanggap ng aplikasyon ay sa Enero 20, 2017.

Sa Agosto 6 naman ang susunod na eksaminasyon para sa taong ito at ito ay isasagawa sa lungsod ng Puerto Princesa. (OCJ/PIA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s