Tagalog news: 5,000 katao sa Palawan, naitalang sangkot sa droga at sumuko

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 9 (PIA) — Umakyat sa mahigit 5,000 katao sa kabuoan ang nahuli at sumukong mga sangkot sa iligal na droga ang naitatala ng Philippine National Police (PNP) sa lalawigan ng Palawan at lungsod ng Puerto Princesa.

Ang nasabing bilang ay naitala sa loob ng anim na buwang pagpapatupad ng Project Double Barrel ng pulisya mula Hulyo 1 hanggang sa huling araw ng Disyembre 2016.

Base sa talaan ng Palawan Police Provincial Office (PPO), sa buong lalawigan, umakyat sa 4,268 ang bilang ng naaresto at napasuko ng Oplan Tokhang ng mga Municipal Police Stations mula sa iba’t ibang bayan.

Samantala, ang Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), nakapagsagawa ng Oplan Tokhang sa 1,079 kabahayan ng mga pinaghihinalaang gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot na nagresulta ng pagsuko ng 762 katao, habang 81 ang naaresto.

Tinuran ni Police Inspector Ric Ramos, tagapagsalita ng PPO, na magpapatuloy parin ang kampanyang ito ng gobyerno laban sa iligal na droga.

“Sa ngayon, nakatutok ang pulisya sa ginagawang Pulong-Pulong sa mga barangay, drug-clearing operation at buybust operation bilang bahagi ng Double Barrel”, ani Ramos.

Malaki aniya ang naitutulong ng komunidad at mga opisyales ng barangay sa programang ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-unayan sa kanilang hanay. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s