Donasyon ng lapis sa Mimaropa, tuloy pa rin

MAYNILA,Enero 9 (PIA) — Dahil sa matagumpay na kampanyang One Million Lapis, minabuti ng Department of Social Welfare and Development –Mimaropa na ipagpatuloy ang pagtanggap ng donasyong lapis para mas maraming makinabang sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Natapos na ang One Million Lapis Campaign at ang mga kabalikat ng Council for the Welfare of Children ay nakalikom ng mahigit sa tatlong milyon. Sa dami ng lapis na nakolekta, binali ng Pilipinas ang rekord ng Alemanya na pinakamahabang linya ng lapis.

Ang mga Aleman dati, nakabuo ng 500 metro ng linya ng lapis samantalang ang Pilipinas naman ay nakapaghanay ng lapis na umabot sa dalawang kilometro dahil sa One Million Lapis Campaign.

Sa Mimaropa, iniulat ng Regional Sub-Committee on the Welfare of Children (RSCWC) na umabot sa 143,083 ang naipong donasyong lapis para sa mga maralitang mag-aaral.

Karamihan sa mga donasyon ay nagmula sa Rotary Club, mga ahensiya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan at maging sa mga indibidwal.

Hindi pa kasama rito ang donasyon ng Mimaropa Police Regional Office na naidagdag sa 1.5 milyong lapis na nakulekta ng buong Philippine National Police.

Dahil sa matagumpay ang kampanya, minabuti ng Department of Social Welfare and Development –Mimaropa na ipagpatuloy ang pagtanggap ng donasyong lapis para mas maraming makinabang sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.

Target ng kampanya na makapagbigay ng mga lapis sa mga mahihirap na bayan sa bawat lalawigan ng Mimaropa.

Ang nakulektang donasyon ay iindorso sa Department of Education. (LP/PIA4B)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s