Tagalog news: DOH Romblon, nakapagtala lamang ng isang biktima ng paputok ngayong taon

ODIONGAN, Romblon, Enero 5 (PIA) — Ang Department of Health (DOH) – Romblon Provincial Office ay nakapagtala lamang ng isang biktima ng paputok ngayong 2017 sa lalawigan ng Romblon kaugnay sa pagdiriwang at pagsalubong ng Bagong Taon.

Sinabi ni Ralph Falculan, Public Health Nurse ng DOH Romblon, ang solong biktima ay naputukan sa kamay ng ipinagbabawal na piccolo.

Agad naman aniyang isinugod sa Romblon District Hospital ang biktima at nilapatan ng gamot ang tinamong sugat nito.

Ayon kay Falculan, dahil sa puspusang kampanya ng DOH, PNP at BFP laban sa anumang klase ng mga paputok at pagpapaalala sa publiko upang maiwasan ang aksidente o disgrasyang idudulot nito gayundin ang masamang epekto nito sa kalusugan ng tao.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay 10 katao ang naging biktima ng paputok sa lalawigan ng Romblon at napakalaki ng ibinaba nito ngayong taon.

Samantala, patuloy pa rin ang pagbabantay ng DOH sa lahat ng mga ospital sa lalawigan sa mga maaaring madagdag sa listahan ng naputukan ngayong 2017.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s