Tagalog news: Mother tank at liquid nitrogen tank, ipinagkaloob ng DA sa Romblon

ODIONGAN, Romblon, Enero 4 (PIA) — Nakatanggap ng isang yunit ng mother tank and liquid neitrogen ang Office of the Municipal Agriculturist sa bayan ng Romblon ay tank na may kasamang semilya ng hybrid na baka at kalabaw.

Personal na tinanggap ni Raymund Juvian M. Moratin, OIC-Municipal Agriculturist ang nasabing kagamitan mula kina Mrs. Maria Teresa O. Altayo, AAC II, Mr. Arman Melendez, Agriculturist II ng Department of Agriculture Regional Field Office (DA-RFO MIMAROPA).

Sinaksihan rin ni Governor Eduardo C. Firmalo at Dr. Paul M. Miñano ng Office of the Provincial Veterinarian (ProVet)-Romblon ang turn-over ceremony.

Ang naturang gamit ay pinag-iimbakan ng semilya na siyang ginagamit sa pagsasagawa ng artificial insemination o ‘di natural na pagpapalahi’ ng baka at kalabaw.

Sinabi ni Dr. Paul M. Miñano, provincial veterinarian, na ang kagamitang ibinigay ng DA ay naglalayong mapaunlad ang industriya ng paghahayupan sa nabanggit na bayan at mapataas ang lahi ng kalabaw at baka dito.

Ang pagbibigay ng ‘artificial insemination’ ay sinusuportahan ng Philippine Carabao Center (PCC), DA at pamahalaang panlalawigan kung saan inaasahan na maging malawakan ang pagpapadami ng magandang lahi ng baka at kalabaw sa Romblon.(DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s