Tagalog news: Mga kawani ng LGU OrMin, lumahok sa Drug-Free Workplace Symposium

CALAPAN, Oriental Mindoro, Enero 3 (PIA) – Bilang pagtalima at pagsuporta ng pamahalaang panlalawigan sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na sugpuin ang iligal na droga at kriminalidad sa bansa, lumahok sa isinagawang Drug-Free Workplace Symposium ang mga kawani ng pamahalaang lokal kamakailan.

Ang gawain ay pinangasiwaan ng Provincial Human Resource Management Office na pinamumunuan ni Elisa O. Paala sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Mimaropa.

Tinalakay ang mga isyu na may kaugnayan sa droga, ang supply at demand ng droga na talamak sa bansa hanggang sa mga negatibong epekto nito.

Layunin ng naturang symposium na bigyan ng dagdag-kaalaman ang mga empleyado ng pamahalaan hinggil sa kahalagahan ng pag-iwas sa droga. Hiningi rin ng pamunuan ng PDEA ang suporta ng mga empleyado upang tuluyan nang masugpo ang droga na nagiging sanhi ng kriminalidad sa bansa.

Nagpaalala rin ang PDEA kaugnay sa hindi pagtalima at pagsunod ng mga opisyal ng tanggapan sa mga patakaran sa pagsugpo ng droga. Maaari umanong kasuhan ng administratibo ang mga ito sakaling matuklasang may kinalaman ang mga ito sa pagtutulak o paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot.

Samantala, ang PDEA Mimaropa ay puspusan sa pagsasagawa ng mga symposium at training sa iba’t ibang lugar ng rehiyon, partikular sa mga bayan, paaralan, mga tanggapan ng pamahalaang nasyunal at lokal, at mga pribadong samahan upang maipaalam sa mamamayan ang mga batas at kaakibat na parusa sa sinumang nagtutulak o gumagamit ng iligal na droga. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s