Tagalog news: 31 DSWD Pantawid Pamilya Municipal Links ng OccMin, nagsanay ukol sa nutrisyon

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Enero 3 (PIA)—Sumailalim sa pagsasanay sa nutrisyon ang may 31 Municipal Links ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa Sikatuna Beach Hotel, San Jose kamakailan.

Layunin ng naturang pagsasanay na mapalawak pa ang kaalaman ng mga municipal links sa nutrisyon at aktuwal na matalakay ang kahalagahan ng food and nutrition sa mga kasapi ng 4P’s sa tuwing isasagawa ang Family Development Sessions (FDS).

Ayon kay Gilbert Ray Avena, 4P’s Provincial Link, isa sa mga nais nilang maibahagi sa mga benipisyaryo ay ang paghahalaman sa kanilang mga bakuran. Naniniwala ang DSWD na bukod sa makapagbibigay ng pagkain sa hapag kainan, ang paghahalaman sa bakuran o backyard gardening ay maaaring pagkakitaan din.

Ayon pa sa Provincial Link ng 4P’s, magkakaroon nang ‘convergence of agencies’ o pagtutulungan ng ilang mga ahensya, dahil sa nakalinya nilang mga programa para sa nutrisyon. Kabilang dito ang Department of Agriculture para sa seeds o mga buto na maaring gamitin sa backyard gardening program at ang National Nutrition Council (NNC) ng Department of Health (DOH) para sa pagpapakalat ng impormasyon hingil sa tamang nutrisyon. “Mas maganda iyong maraming nagtutulungan, mas mapapadaling masulusyunan ang mga problemang pang-nutrisyon ng mga bayan sa lalawigan”, paliwanag ni Avena.

Ang DSWD 4P’s ay nakatakdang pagtuunan muli ang programang pang-nutrisyon at responsible parenthood sa pagpasok ng taong 2017. (VND/PIA MIMAROPA/Occ Min)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s