Tagalog news: Mimaropa, ipagdiriwang ang Children’s Month sa Enero

MANILA, Dis 29 (PIA) — Matutuloy na sa ikalawang linggo ng Enero 2017 ang pagdaraos ng pang-rehiyong pagdiriwang ng Children’s Month (Buwan ng mga Bata).

Matatandaang ipinagpaliban ang pagdiriwang na nakatakda sana sa Sablayan, Occidental Mindoro noong Nobyembre dahil sa bagyong Marce.

Ang pagdiriwang ang Children’s Month ay nagbibigay ng pagkakataon para maipakilala sa mga kabataan ang kanilang mga karapatan at katungkulan sa paraan ng talakalayan at paglalaro.

Ang pagdiriwang ngayong Enero ay inilipat na sa San Jose doon pa rin sa lalawigan ng Occidental Mindoro.

Tampok sa pagdiriwang ang pagdaraos ng symposium na tatalakay din sa mga paksang gaya ng mga child protection policy ng Department of Education, multiple intelligence at positive parenting.

Kasama rin sa tatalakayin sa symposium ang mga pinakahuling balita hinggil sa mga pambatang serbisyo ng mga ahensiya ng pamahalaan at ng mga kabalikat na samahan.

Dahil ang pagdiriwang ay para sa mga bata, hindi mawawala ang paglalaro gaya ng art workshop, sayawan gaya ng Zumbata (zumba para sa mga bata) at mga pa-contest para sa mga bata at kanilang mga pamilya.

Inaaasahang din maglalagay ng mga booth ang bawat miyembro ng Regional Sub-Committee for the Welfare of Children (RSCWC) para maipakilala sa publiko ang iba’t iba nitong serbisyo. (LP/PIA4B)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s