Tagalog news: Mga pasahero ng bangka nasagip ng PCG, PNP at MDRRMO Magdiwang

MAGDIWANG, Romblon, Dis. 29 (PIA) — Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG)-Ambulong Sub-station, Philippine National Police at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Magdiwang ang pitong pasahero ng isang bangkang de-motor na nakitang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Sibuyan Island.

Kinilala ang mga nasagip na sina Rufus Presado, 33; Eugelyn Presado, 24; Rufus Matt Presado, tatlong buwan gulang; Gene Tito Dadula , 34; Dante Mercadejas, 55; Gina Mercadejas, 41 at Denis Ribon, 21, na pawang mga taga-Masbate.

Bago nangyari ang rescue operation ay nakatanggap ng tawag ang PCG Magdiwang Sub-station at PCG Cajidiocan Sub-station ng mula sa PCG Masbate kung saan ipinagbigay alam sa kanila na tulungang mailigtas ang mga sakay ng bangka kapag ito ay mapadpad sa karagatang sakop ng isla ng Sibuyan.

Ayon sa salaysay ni Rufus Presado na isa sa mga survivor, umalis umano sila sa Masbate City noong Miyerkules ng hapon papunta sa kabilang isla ng maubusan ng gasolina ang kanilang sinasasakyang bangka at inabutan na sila ng dilim hanggang sa katagalan ay may nakita silang parola.

Halos isang araw at isang gabi aniya silang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Sibuyan bago sila napadpad malapit sa baybayin ng naturang isla.

Agad naman silang ni-rescue ng mga tauhan ng PCG, PNP at MDRRMO Magdiwang at ligtas na ang mga ito sa kasalukuyan.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan ng Magdiwang sa Masbate City at sa mga pamilya ng mga survivor.(JF/DM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s