Tagalog news: Kalagayan sa Calamianes, Palawan, balik-normal na makalipas ang bagyong Nina

PUERTO PRINCESA, Palawan, Dis 29 (PIA) — Balik na sa normal ang panahon ngayon sa Calamianes Group of Islands sa lalawigan ng Palawan.

Ang Calamianes Group of Islands ay binubuo ng mga bayan ng Coron, Culion, Busuanga, Linapacan, kaya naman ibinaba na ng mga Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) nito ang kanilang alerto kahapon dakong alas 5:30 ng hapon.

Bagamat nakaranas ng pag-ulan, ani MDRRM Officer Fernando Lopez ng bayan ng Coron, wala naman naitatalang binaha, nasaktan o napaulat na namatay sa kanilang nasasakupan dulot ng masamang panahon.

Agad na nagpatawag kahapon ng pagpupulong ang MDRRMC na pinangunahan ni Mayor Jerry Barracoso upang buksan ang kanilang operation center at ihanda ang mga mamamayan sa posibleng pagtama ng bagyong Nina.

Kasabay nito, pinayagan na rin ng Philippine Coast Guard (PCG) na maglayag lalo maging ang mga maliliit na bangkang bumabiyahe mula Coron hanggang El Nido, El Nido-Coron at Linapacan matapos kanselahin ang mga biyahe kahapon dahil sa malalaking alon at malakas na hangin.

Pangunahing naapektuhan ng bagyo ang turismo sa Coron at El Nido nang i-urong ang mga island tour pero bahagya lamang ang epekto nito dahil agad namang naibalik sa normal ang sitwasyon.

Matapos magkansela ng mga flights ang Puerto Princesa International Airport at Busuanga Aiport, naibalik na din ang normal na operasyon ng mga paliparan ngayong araw.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Association (PAGASA), inaasahang makalalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Nina mamayang gabi at tuluyan nang magiging maganda ang panahon bukas. (LBD/PIAMIMAROPA-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s