Tagalog news: 70% ng palayan sa Marinduque, napinsala ng bagyong Nina

Boac, Marinduque, Dis, 29 (PIA)– Nag-iwan ng matinding kapinsalaan lalo na sa sector ng agrikultura ang Bagyong Nina na nanalasa sa lalawigan, Disyembre.26 kabilang ang 70 porsiyento ng palayan.

Ayon sa iniulat na datos mula sa Provincial Agricultural Office- Marinduque (PAO) sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Council Meeting kaninang umaga, tinatayang aabot sa 70 porsiyento sa may kabuohang 641 hektaryang pananiman ng palay ang sinira ng nagdaanng bagyo samantalang halos 25 porsiyento naman ng rain-fed na palayan sa buong probinsya ang winasak nito.

Sa huling ulat ng PAO ay hindi rin nakatakas sa hagupit ni Nina ang maisan, sagingan, gulayan at manggahan ng mga magsasaka. Inaalam pa rin sa kasalukuyan ang estimated cost of damages na idinulot ng mapaminsalang bagyo maging sa sektor ng koprahan.

Ayon naman sa partial report ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), aabot sa mahigit-kumulang na P5 milyon ang halaga ng pinsala sa forest plantations na may gulang na lima-pababa at P 5,000,000 naman sa natural forest na may gulang na lima-pataas.

Bukod dito ay hindi rin nakaligtas ang mga kagamitan ng ahensya ng pamahalaan tulad ng mga computer, printer at iba pa na aabot sa P1.25 milyon ang halaga.

Apat na milyong piso naman ang idinadaing na nawala sa Marinduque Electric Cooperative (MARELCO) nang putulin at patumbahin ng bagyo ang mga kable at poste ng kuryente na itinuturing na backbone line o supply ng kuryente sa mga pangunahing daanan.

Ayon kay Engr. Gaudencio Sol, General Manager ng MARELCO, titiyakin nila na makakapagpadaloy nang muli ng kuryente sa mga lugar na nasasakupan ng backbone line simula Barangay Bantad kasama na rin ang Provincial Capitol sa tulong na rin ng 80 hired line man na makikiisa sa pagpapabalik ng daloy ng kuryente.

Mula naman sa Department of Education, may 162 na silid-aralan ang nakatalang naapektuhan ng lakas ni Nina kung saan 75 silid ang itinuturing na totally damaged at 85 naman dito ay partially damaged na nagkakahalagang P54.110 milyon ang idinulot na pinsala sa mga paaralan ng buong lalawigan.

Sa kabilang dako, nakapagtala naman ang Department of Health Regional Office ng 21 pasyente na naidala sa malalapit na pagamutan mula sa bawat munisipalidad ng probinsya: Boac- 7; Buenavista- 3; Mogpog- 2, at; Torrijos- 9.

Bukas muli ng ika-9 ng umaga ay magkakaroon ng panibagong pagpupulong ang bawat kasapi ng PDRRMC para sa bagong datos mula sa bawat ahensya ng Marinduque. (ADSD- PIA-MIMAROPA/Marinduque)

15726694_735304686645538_5088679473069917919_n

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s