Lathalain: RA 10879 kumikilala sa rehiyong Mimaropa

Sa bisa ng Republic Act 10879 o mas kilala ngayon sa tawag ng Rehiyong Mimaropa, inaprubahan na ng mga mambabatas ang nabanggit na batas upang magkaroon ng sariling pagkilala ang nasabing rehiyon mula sa dati nitong tawag na Rehiyon IV-B.

Matatandaan na inaprubahan ito noong ika-17 ng Hulyo 2016 ayon sa Artikulo VI, Seksyon 27 ng Konstitusyon ng Pilipinas.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Mimaropa Regional Director James F. Fadrilan, sa pagkakapasa ng nabanggit na batas, mas tiyak aniya ngayon ang pagkakakilanlan ng rehiyon kumpara sa nauna nang ipinalabas na Executive Order No. 103 ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan unang hinati ang Rehiyon IV sa pagitan ng mga islang lalawigan ng Rehiyon IV-B Mimaropa na binubuo ng mga lalawigan ng Mindoro Occidental at Oriental, Marinduque, Romblon at Palawan at ng Rehiyon IV-A Calabarzon na binubuo naman ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Ayon pa kay Fadrilan, inaasahan na ang higit na pag-unlad ng mga lalawigan at paghahatid ng mga pangunahing serbisyong panlipunan sa rehiyon kaugnay sa nakatakdang pagbubukas ng mga panrehiyong tanggapan ng mga ahensya ng Pamahalaang Nasyunal sa lalawigan partikular sa lungsod ng Calapan.

Kaugnay nito, ang National Economic and Development Authority (NEDA), sa pakikipagtuwang sa DILG, ay magsasagawa ng mahahalagang hakbang o regulasyon upang mapabilis ang paglipat ng mga ahensyang nasyunal sa Calapan City mula sa mga lugar nito na karamihan ay nasa Maynila pa ang mga tanggapan. (CPRSD/LTC/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s