Tagalog news: Boac MDRRMC, nagpulong bilang paghahanda sa bagyong Nina

Boac, Marinduque, Dis. 27– Muling nagpatawag ng pagpupulong ang Municipal Disaster Risk Reduction Council ng Bayan ng Boac, para sa paghahanda sa papalapit na Bagyong Nina na may international name na Nock-Ten.

Ilan sa mga napag-usapan kasama ang mga kapitan ng bawat barangay ay ang: 1) No Sail Policy; 2) Trimming of Banana Leaves, at; 3) Preemptive Evacuation Ordinance lalo na sa mga lugar na malalapit sa ilog at seaside. Ayon kay Mayor Roberto Madla, kailangang bawasan ang dahon ng mga pananim na saging upang maiwasan ang pagkakatumba ng mga puno dahil ito ang pangunahing pinagmumulan ng kita ng mga magsasakang Boakeño.

Base sa inilabas na memorandum mula sa Office of Civil Defense- Mimaropa, pinayuhan nila ang bawat MDRRMC na kailangang ilikas ang mga mamamayan na maaaring maapektuhan ng pagguho ng lupa mula sa matatarik na kabundukan, pagtaas ng tubig malalapit sa ilog at daluyong na maaaring maranasan ng mga nakatira malapit sa baybaying dagat.

Pinaalalahanan din ni SP04 Felix Echavaria ang mga barangay captain na payuhan ang kanilang mga nasasakupan na itali nang mabuti ang mga kabahayang gawa sa light materials.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng Boac na mayroong tamang supply ng pagkain para sa mga maaaring maging evacuees ng bawat barangay. Ayon sa tala ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), mayroong nakaimbak na 166 packs ng bigas ang munisipalidad na pwede na mapamahagi sa mga Day Care Workers, na magsisilbing Camp Coordinator para sa mga evacuees. Bukod sa bigas ay mayroon ding noodles at canned sardines ang nakahanda mula sa MSWDO.

Nangako naman ang mga dumalong kapitan na magkakaroon sila ng bandilyo kasama ang kanilang mga kagawad at barangay tanod upang magbigay payo sa kanilang hinahawakang lugar. (ADSD/ PIA-4B, Marinduque)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s